Home METRO 5 stude, pinagsasaksak ng kapwa estudyante; 2 kritikal

5 stude, pinagsasaksak ng kapwa estudyante; 2 kritikal

1
0

CAVITE, Philippines – Dalawa sa limang grade 5 na estudyante ang nasa kritikal na kondisyon makaraang magtamo ng mga saksak sa katawan nang pasukin sa loob ng kanilang classroom ng isang Grade 8 student na armado umano ng isang patalim sa Gen Trias City, Cavite Martes ng umaga.

Ayon sa nakalap na report, pawang mga Grade 5 student ng Bethel Academy School ang mga biktima habang ang suspek ay isang grade 8 student na babae na umanoy nag aaral rin sa nasabing paaralan.

Batay sa ulat, bandang alas-8:00 ng umaga nang naganap ang insidente sa loob ng nasabing eskuwelahan na matatagpuan sa Brgy Sta Clara corner Navarro sa naturang lungsod.

Base sa salaysay ng isa sa guro sa nasabing eskuwelahan na nakasaksi, bandang alas-8:20 ng umaga nang dumating ang suspek sa galing sa kanilang classroom sa 2nd floor at bumaba sa ground floor kung saan naroon ang room ng mga biktima, dito na isa isang hinalabit ng saksak ang mga bata gamit ang isa umanong patalim.

Base sa pag iimbestiga ng pulisya lumalabas na “Bulliying” ang isa sa nakikitang naging motibo sa krimen sa pananaksak. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here