Home METRO 3 Korean nat’ls arestado sa Angeles dahil sa paggamit ng 2 menor...

3 Korean nat’ls arestado sa Angeles dahil sa paggamit ng 2 menor de edad sa online gaming operation

3
0

PAMPANGA, Philippines – Arestado ang tatlong Korean nationals sa Angeles City matapos umanong gamitin ang dalawang Filipino minors sa isang hindi awtorisadong online gaming operation.

Ayon sa Police Regional Office 3 (PRO3), humingi ng tulong sa pulisya ang ina ng dalawang menor de edad matapos malaman na ang kanyang mga anak ay naninirahan sa isang apartment ng mga dayuhan sa Barangay Anunas.

Rumesponde ang mga pulis bandang 2:30 a.m. at natagpuan ang isa sa mga menor de edad na nakaupo sa harap ng computer.

“Investigation revealed that the two boys, aged 16 and 17, were allegedly recruited by an individual known only by an alias and brought to the suspects,” ayon sa PRO3.

Sinabi ng pulisya na pinagtatrabaho umano ang mga minors mula 6 p.m. hanggang 6 a.m. araw-araw para maglaro ng online game na Lineage Classic, at binabayaran ng ₱500 kada shift.

Natuklasan din ng mga awtoridad na walang kaukulang business at employment permits ang operasyon, at nakumpiska ang ilang computer units bilang ebidensya.

Arestado ang tatlong Korean nationals habang ang isang Filipino recruiter na umano’y nagdala sa mga minors ay patuloy na pinaghahanap.

Maaaring kasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here