MANILA, Philippines – Sinabi ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) nitong Lunes, Enero 6 na opisyal na nitong kinuha ang pangangasiwa para sa Camp John Hay sa Baguio City.
Ito ay kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na nag-uutos sa Camp John Hay Development Corp. (CJH DevCo.) na bakantehin ang bahagi ng special economic zone sa lugar.
Ayon sa BCDA, nakuha nito ang The Manor, The Forest Lodge, Camp John Hay Golf Club, CAP Convention Center, Commander’s Cottage, open spaces, at iba pang lugar sa John Hay Special Economic Zone.
Sa kautusan ng Baguio Regional Trial Court, noong Enero 3, 2025, kinatigan nito ang ruling ng SC at ibinasura ang apela ng CJH DevCo na pigilan ang pagbabalik ng buo ng ari-arian ng Camp John Hay.
Sa ilalim ng kautusan, lahat ng lupa at improvements sa naturang ari-arian, kung ito man ay hawak ng CJH DevCo., o mga subsidiaries at affiliates nito, o pagmamay-ari ng ibang indibidwal o partido, ay dapat na iturn-over sa BCDA.
“This victory is a win for the Filipino people as it paves the path for exciting investments and projects that will drive socioeconomic opportunities and protects the interests of all,” sinabi ni BCDA president at chief executive officer Joshua Bingcang.
“As we open new doors of opportunity, more businesses may reinvest their capital in Camp John Hay and build upon the workforce; all while ensuring that the environmental and cultural integrity of the area are preserved and protected,” dagdag pa.
Sa kaparehong statement, sinabi ng BCDA na magpapatuloy sa operasyon ang mga negosyo sa lugar.
“BCDA assures the public that businesses will continue to operate and thrive in Camp John Hay. It is calling on all stakeholders to step forward, reach out, and work together to facilitate a seamless transition toward a better Camp John Hay,” saad pa sa naturang pahayag.
Matatagpuan sa Camp John Hay ang Baguio – Ayala Land Technohub, isang integrated community na may 12-hectare property at 11,422 square meters ng gross leasable area para sa information technology at business process outsourcing campus nito.
Matatandaan na nakipagkita ang mga opisyal ng BCDA kay business tycoon Manuel Pangilinan para sa posibilidad ng investment sa lugar.
“Camp John Hay embodies the unique charm and character of Baguio. I have very fond memories here,” sinabi ni Pangilinan.
“In helping BCDA, we commit to the preservation and enhancement of Camp John Hay’s legacy properties, and the care of their dedicated workforce. You are in good hands,” dagdag niya. RNT/JGC