MANILA, Philippines – Bumagsak ng 10 percentage points noong 2026 ang tiwala ng publiko sa balita sa Pilipinas, ayon sa pinakabagong Reuters Digital News Report, dahilan upang maging bansa ang Pilipinas na may pinakamalaking pagbaba sa 48 markets na sinuri.
Ayon sa ulat, kabilang ang Pilipinas sa 28 bansa na nakaranas ng pagbaba sa trust in news ngayong taon. Ilan sa mga itinuturong dahilan ay political instability at mga pag-atake sa mga news outlet at mamamahayag.
“The Philippines, Thailand, Peru, and Poland… political instability, divisive elections, and a noisier and more fragmented information environment seem to be shared characteristics of markets where trust in news has fallen most,” ayon sa report.
Dagdag pa nito, “Some of the reductions are almost certainly a consequence of direct attacks on news outlets and individual journalists, with a cumulative effect of undermining confidence in journalism overall.”
Ipinunto rin ng ulat na mas malaki ang epekto ng pangkalahatang problema sa information environment kaysa sa pagbabago sa iisang news brand lamang.
Sa global level, bumaba sa 37% ang bilang ng mga taong nagsasabing nagtitiwala sila sa balita—ang pinakamababa mula nang simulan ang pagsukat nito noong 2015.
Ayon pa sa report, nakikita ng mga respondent na may malaking impluwensya sa news coverage ang media owners at mga politiko (parehong 70%), kasunod ang advertisers (59%), experts (57%), advocacy groups (50%), at maging criminal groups (44%). RNT/MND