Manila, Philippines – Kung meron mang aktres na malapit ngayon sa puso ng press lalo na nu’ng kapaskuhan, yun ay walang iba kundi si Sunshine Cruz.
Halos lahat kasi ng press ay pinadalhan ni Sunshine ng kanyang Christmas gift na grocery items from Landers, huh!
Banggit pa sa amin ng isa sa malapit kay Sunshine na more than P1.5K daw ang binayad ng aktres sa Landers para sa pa Christmas gift niyang ‘yun sa mga mahal niyang mga taga-media, huh!
Nang pumanaw ang isa sa pinakamalapit na press kay Sunshine na si Ed De Leon ay di mapakali ang aktres.
Nang mabalitaan niyang inatake sa puso si Kuya Ed at kailangan maitakbo agad sa hospital ang kolumnista ay isa sa nagpapakontak ng ambulansiya si Shine.
Kaya kahit panahon ng kapaskuhan at super bisi rin ang aktres sa kanyang iba’t ibang commitments ay dinalaw at nagtagal ng ilang oras sa burol ang aktres para sa mahal niyang
veteran entertainment journalist na si tito Ed.
Isa sa tagapagtanggol at masasabing kaibigan sa showbiz ni Shine si kuya Ed, huh!
Madalas silang nag-uusap sa pamamagitan ng Facebook messenger at naalala pa nga ni Sunshine na minsan ay nagugulat na lang siya sa mga write ups at pagtatanggol ng kanyang tito Ed.
Kaya kahit may importanteng showbiz commitment daw siya sa araw na ‘yun ay tumagal ng ilang oras at nagbigay ng tulong si Sunshine sa burol ng kaibigang manunulat, huh! Jimi Escala