Home ENTERTAINMENT Entry ni Vice, nakabawi na; Iba pa, olats!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Entry ni Vice, nakabawi na; Iba pa, olats!January 6, 2025 12:59 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Compared to the MMFF 2023 ay malayo ang total gross ng 10 entries that competed last year.Habang sinusulat ito’y hindi pa naglalabas ng figures as to the box office ranking of all 10 entries.Pero mula sa isang source, more than P200M na ang kinita ng And The Breadwinner Is headlined by Vice Ganda.Coming in second ay ang The Kingdom nina Vic Sotto at Piolo Pascual.It isn’t a neck and neck battle dahil malayo ang figures ng TK.Naungusan naman ng Green Bones nina Dennis Trillo at Ruru Madrid ang Espantaho ni Judy Ann Santos at Uninvited nina Vilma Santos at Aga Muhlach.Balitang ang total gross ng 10 entries ay umabot lang ng more than P500M–napakalayo sa inaasahan ng pamunuan ng MMFF.Dahil ‘yung kay Vice Ganda lang ang nakasambot na ‘ika nga, in a manner of speaking ay mahaba pa ang lalakbayin ng siyam nitong mga katapat.At presstime ay may ilang nalalabi pang araw bago magwakas ang festival.Pero ang tanong–after the holiday gastusan ay maglabas pa kaya ng perang pampanood ng sine ang Pinoy? Ronnie Carrasco III