Home METRO Magbayaw, tigok sa taga ng katoma

Magbayaw, tigok sa taga ng katoma

269
0

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang magbayaw sa Naawan, Misamis Oriental matapos silang pagtatagain ng kanilang kainuman na armado ng dalawang itak.

Base sa ulat, natagpuang wala nang buhay ang mga biktima, edad 67 at 52, sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Linangkayan.

Batay sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga biktima at ang 48-anyos na suspek habang nag-iinuman. Ayon kay Police Major Joann Navarro ng PRO-10, una umanong nakasagutan ng suspek ang isa sa magbayaw, at nang makialam ang isa, tinaga muna nila ang suspek.

Nakauwi ang suspek, ngunit bumalik ito na may dalang dalawang itak at pinagtataga ang magbayaw. Dead on the spot ang mga biktima habang dinala sa ospital ang suspek.

Wala umanong dating alitan ang magkabilang panig at pinaniniwalaang nag-ugat ang insidente sa kalasingan. Kakaharapin ng suspek ang kasong double murder. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here