Home METRO Magbubulaklak, tiklo sa P20.4M tobats

Magbubulaklak, tiklo sa P20.4M tobats

148
0

CEBU, Philippines – Kulungan ang kinasadlakan ng isang babaeng negosyante ng bulaklak matapos mahulihan ng P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation, kahapon sa Talisay City.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas (PDEA-7) ang suspek na si Merian Sancija Borkowski, 36-anyos, may-ari ng isang flower shop sa Barangay Cansojong, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng dakong 3:55 PM nitong Sabado, Hulyo 5, isinagawa ang operasyon sa mismong tahanan ng suspek sa pakikipagtulungan ng mga operatiba ng PDEA-7, Naval Forces Central, at Talisay City Police Station.

Nakuha sa suspek ang 3 kilo ng pinaniniwalaan shabu na aabot sa halagang P20.4M.

Sinabi ng PDEA-7, minanmanan nila ang suspek sa loob ng isang linggo bago isinagawa ang operasyon matapos makatanggap na impormasyon na kaya umanong magbenta ni Borkowski ng hanggang tatlong kilo ng shabu kada linggo.

Kabilang sa mga lugar na pinaghihinalaang sakop ng kanyang distribusyon ang mga lungsod ng Cebu, Mandaue, at Lapu-Lapu.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang supplier ng shabu habang inihanda ang mga kasong isasampa laban sa suspek. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here