Home OPINION MAGHANDA LABAN SA BAGYONG TINO

MAGHANDA LABAN SA BAGYONG TINO

327
0

KUNG hindi malulusaw, papasok na ang bagyong Tino sa Philippine Area of Responsibility ngayong araw at tatama sa ating kalupaan bukas.

Kung hindi magbabago ang direksyon nito, mahahagip ni Tino ang hilaga o northern Mindanao, Kabisayaan at Kabikulan, kasama ang Timog Katagalugan.

Tinataya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na magiging malakas na bagyo ito o may katamtamang hangin na 118 kilometro kada oras at may bugsong aabot sa 184 kilometro kada oras.

Hindi naman inaalis ng PAGASA ang posibilidad na magiging super typhoon ito kapag umabot ang minimum na bilis o lakas ng hangin nito sa 185 kilometro kada oras pataas.

MAULAN NA, MAY BAGYO PA

Kung iisipin, halos magiging maulan mula sa Luzon hanggang sa Visayas, lalo na sa mga silangang bahagi ng bansa simula ngayon dahil sa shear line o pagsasalubong ng malamig at mainit na hangin sa norte, low pressure area sa kanlurang bahagi ng bansa at intertropical converging zone o salubungan ng hangin mula norte at sur sa parting silangan ng bansa.

Pagdating ng Martes, naririyan na ang pag-ulan nang husto sa ilang bahagi ng northern Mindanao, Kabisayaan, Kabikulan at Timog Katagalugan dahil kay Tino.

DELIKADONG BAHA, LANDSLIDE AT IBA PA

Sa ganitong mga panahon, lalo na sa pagdating ng bagyong Tino, dapat maghanda na ang lahat.

Unang nasa isipan natin, mga Bro, ang milyones na nagbiyahe sa malalayong lugar at kinailangan nilang babalik sa kanilang mga pinanggalingang lugar matapos ang Undas.

Mahahagip sila ng mga ulan, bagyo, baha, landslide at iba pa at tiyak na mayroon mga mai-stranded kung saan-saan.

Mabuti kung mai-stranded lang sila at gutom at hirap lang ang kanilang mararanasan.

Paano kung may mga madidisgrasya, sakay man sila sa mga panlupang sasakyan, pandagat o panghimpapawid?

MAGHANDA AT KUMILOS NA

Dahil hindi kaila kung gaano napipinsala ang lahat sa masamang panahon, dapat maghanda at kumilos nang pabalik ang mga dapat bumalik sa pinanggalingan nila.

Dapat maaga silang bumiyahe pauwi o pabalik nang maaga upang hindi nila maranasan ang maperwisyo mula sa maulan, mabagyo, mabaha at ma-landslide na kalagayan.

Ang mga hindi bumiyahe, kailangan na ring maghanda at kumilos.

Muling isipin ng mga ito kung paano at kailan pumunta sa mga evacuation center nang nakahanda at ligtas.

Hindi ‘yung tinamaan na ng rumaragasang baha, landslide at iba pa, saka lang kikilos at pahihirapan pa nila ang gobyerno at iba pa sa pag-rescue sa kanila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here