Home OPINION UMURONG BA TAPANG NI QC EX-CONG SA ‘TELL ALL’?

UMURONG BA TAPANG NI QC EX-CONG SA ‘TELL ALL’?

315
0

SINABI ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na may nagparating sa kanya na dating district representative ng Quezon City na willing magsabi ng lahat ng kanyang nalalaman kaugnay ng maanomalyang flood control project.

Mabibilang mo lang sa daliri ang mga ‘dating Congressman’ ng QC. Ang ilan ay namayapa na, ang ilan naman ay nasa pwesto pa bilang Konsehal o sa appointed position sa nasabing lungsod. Kaya madali-daling tukuyin kung sino ito.

Pero kamakailan ay sinabi ni Ombudsman na umurong daw si Ex-Cong sa balak sanang “tell all”.

Hindi sinabi ni Ombudsman kung ang dating Congressman ay sangkot sa flood control anomaly o hindi. Pero kung may alam siya rito, di ba’t malaking tulong sa imbestigasyon na ihayag niya ang pagnanakaw sa kaban ng bayan?

Sasabihin kaya niya na ang lumobong budget sa pangalan niya na flood control project ay “hindi kanya” at inserted lang pero alam niya kung kanino mapupunta kickback?

Ikakanta ba niya kung paano inilalako ang projects sa Kongreso at sino ang magsasabi kung sinong contractor ang mabibigyan ng project? Babangitin ba niya na may alam talaga si dating Speaker Martin Romualdez sa anomalya at hindi “gross negligence” lang?

O mananahimik na lang siya hanggang kulungan?

Kung sakaling magsasalita itong si Congressman sa lahat ng kanyang nalalaman, siguraduhin niya na ang magnonotaryo ng affidavit ang mismong pipirma. At kumuha dapat siya ng video at litrato na nasa harap siya ng tanggapan ng notaryo publiko. Pero dapat alam niya na higit na mas mainam kung sa Kongreso mismo niya panunumpaan ang kanyang salaysay.

Sa panahon ngayon, may ilan na mas tututukan kung sino ang nagnotaryo at kung misyong ang notary publiko ang lumagda kaysa sa mismong laman ng affidavit ng sumusumpa.

========================
Atty. Ariel Inton
Founder, Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)
09178174748

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here