Home OPINION MAGHANDA SA BAGYONG FRANCISCO

MAGHANDA SA BAGYONG FRANCISCO

2
0

MALAKAS ang bagyong Francisco na nagsimula nang humagupit sa Pilipinas, lalo na sa parteng silangan ng bansa gaya ng Cagayan, Babuyan Islands at Batanes ngayon bagaman unang haplitin nito ang Bicol Region at Eastern Visayas.

Ayon sa PAGASA, may katamtamang bilis ng hangin ng bagyong Francisco na 100 kilometro kada oras at may bugso itong 125 kilometro kada oras.

Itong bugso, mga Bro, ay lagpas sa sukat na 118-184 kilometro kada oras na pang-signal number 4.

Kaya talagang malakas ang bagyo at ang masama pa, may kakambal itong malalakas na pag-ulan, habagat at karaniwang pag-ulan na may mga pagkidlat at pagkulog.

Kapag pinagsama-sama lahat ng ito, maulan sa buong bansa ngayon at siyempre huhupa sa silangang bahagi matapos ang bagyo.

Sabi ng PAGASA, asahan ang mga baha at landslide kaya dapat na maghanda na ang lahat para rito.

Alam naman natin kung gaano sumisira ng buhay at ari-arian ang masamang panahon at tatandaan na malawak ang bagyo na may sakop na 420 kilometro habang papuntang norte sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Ipinagbabawal na ang paglalayad sa karagatan dahil lilikha ang bagyo ng nasa 2 metrong taas na alon.

Nakapagpatutumba rin ang bagyong ito ng mga poste ng kuryente at mga puno at maaaring paliparin din nito ang mga bubong ng mga bahay.

Sa mga poste ng kuryente na karaniwang kinakabitan din ng mga kawad ng telepono at internet, kapag na natumba ang mga ito, ilang araw o linggo ring mawawalan ng kuryente at internet at wifi.

Dahil sa lakas ng malilikhang mga baha, asahan na natin na matatamaan ang marurupok ng mga tulay at kalsada.

At maaaring muli ngang may magaganap na landslide sa mga ilog, tabing-dagat at bulubunduking lugar.

Sana, walang mapinslang buhay at mangyayari lang ito kung may maagang pagbabakwit mula sa mga delikadong lugar patungo sa mga ligtas na lugar.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here