Home OPINION Maginhawang pagbabayad sa “EASE OF PAYING TAXES ACT LAW”

Maginhawang pagbabayad sa “EASE OF PAYING TAXES ACT LAW”

Sa ating pagsasaliksik, mayroong 27.6 million na individual tax payers ang nagbabayad ng kanilang buwis sa BIR o Bureau of Internal Revenue na umaabot ang koleksyon sa halagang Php1.24 trillion. Malaki ang naitutulong ng buwis na ito sa pagkakaloob ng pamahalaan ng mga serbisyo at pagsasagawa ng mga proyektong naghahatid ng kaunlaran.

Isinabatas ang Republic Act No. 11976 o ang “Ease of Pa­ying Taxes Act” para magkaroon ng episyente at epektibong koleksyon ng buwis habang binibigyang proteksyon ang karapatan at kapakanan ng tax payers.

Kabilang ito sa mga pangunahing isinulong na kinakaila­ngang fiscal measures ng Marcos administration para sa ka­tuparan ng 8 socio-economic program nito. Tandaan natin na target ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. na mapababa sa 9% na lamang ang poverty incidence sa bansa sa pagta­tapos ng kanyang termino. Posible ito pero maraming trabaho ang kinakailangang gawin, at kabilang dito ang pagpapataas sa koleksyon ng buwis.

Nito lamang January 5, 2024 naging ganap na batas ang “Ease of Paying Taxes Act”. Mapalad tayong napagbigyan na mapag-usapan ang bagong batas na ito sa programang “Health & Travel @ Serbisyo Publiko” sa DWBL 1242 kHz, AM band para higit nating maintindihan kasama ang BIR Revenue District Offi­ce No. 34 na saklaw ang mga lugar ng Paco, Pandacan, Sta. Ana at San Andres, at nasa ilalim ng Revenue Region No. 6 Manila na pinamumunuan ni Regional Director Renato Molina.

Malinaw na ang “Ease of Paying Taxes Law” ay isang user-       friendly na pagbabago sa mahirap-hirap na proseso ng pagbubuwis sa bansa. Ginawa ito para mapadali ang kadalasang masalimuot na proseso, itaguyod ang transparency at ang positibong ugnayan sa pagitan ng mamamayan at kanilang mga tungkulin sa lipunan.

Ang makabuluhang batas na ito ay nagsisilbing pangunahing pagbabago sa paraan ng ating pagsusulong sa mga obligasyong buwis, layuning paginhawain ang pasanin ng mga nagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga makabago at makabuluhang hakbang na nagpapalakas sa pagiging abot-kamay, linaw, at katarungan.

Ang ating kolektibong pangarap ay luwagan ang karanasan ng pagtupad sa buwis upang maging isang tuwid at makapangyarihang karanasan para sa bawat mamamayang Pilipino at mga negosyo.

Inaanyayahan tayo ng pamahalaan, partikular ng BIR, na sumama sa mahalagang hakbang na ito patungo sa isang mas progresibong sistema ng buwis na nakatuon sa isang hinaharap kung saan ang pagbayad ng buwis ay hindi lamang isang ligal na obligasyon kundi isang tuwid at makapangyarihang ambag sa paglago at kaunlaran ng ating bansa.

Panoorin ninyo sa HILDA ONG AGARANG SERBISYO LADY sa YouTube channel ang naging panayam natin kina Re­venue District Officer (RDO-34) Jefferson Tabboga at si CAS Joseph Casquejo, ang chief assessment section.

Previous articleMga ospital mananatiling bukas sa El Niño – DOH
Next articleQUIBOLOY, WANTED SA PINAS AT SA IBANG BANSA