Home NATIONWIDE Mga ospital mananatiling bukas sa El Niño – DOH

Mga ospital mananatiling bukas sa El Niño – DOH

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Health (DOH) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mananatiling bukas ang mga ospital sa buong bansa sa kabila ng El Niño phenomenon.

Sinabi ng DOH sa ulat sa President’s task force on El Niño response, na nakikipagtulungan ito sa national government agencies upang masiguro na ang healthcare services ay hindi maantala.

Sa gitna ng pagsisikap ng DOH, nagsasagawa rin ang task force ng mga hakbang upang maiwasan ang mga banta ng kakulangan sa tubig at pagkawala ng kuryente.

“We are ready for El Niño. Our hospitals will stay up and running despite anticipated power and water challenges. There are contingency plans in place,” sinabi ni Health secretary Teodoro Herbosa nitong Linggo.

Sa ulat sa presidential Task Force El Niño, sinabi ni Dr. Juan Javier F. Garchitorena, ng DOH Health Emergency Management Bureau – Response Division, na kanila nang inendorso, katuwang ang mga ahensya ng pambansang pamahalaan ng isang listahan ng mga pasilidad sa kalusugan na may mga isyu sa tubig at seguridad sa enerhiya para sa patnubay at posibleng kasunduan sa pagbibigay-prayoridad ng mga pasilidad na ito sa mga kaso ng kakulangan ng tubig at kawalan ng kuryente.

Sinabi ni Dr. Garchitorena, ang Department of Environment and Natural Resources; Energy; at Interior and Local Government ay nasabihan na sa listahan ng healthcare facilities.

Ang hakbang ng DOH kasama ang iba pang departamento ay alinsunod sa direktiba ng Pangulo para sa government intervention at “whole-of-government approach” upang pamahalaan at pagaanin ang mga epekto ng El Niño sa pangkalahatang populasyon.

Nakikipagtulungan din ang DOH sa lahat ng health facilities nationwide sa pagtatasa ng kanilang kahandaan sa El Niño at kung paano pa mapapabuti ang kanilang mga istratehiya at plano sa panahon ng El Niño. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleCHIPS Act ng US, magpapalakas ng semiconductor sector ng Pinas – PBBM
Next articleMaginhawang pagbabayad sa “EASE OF PAYING TAXES ACT LAW”