Home METRO Magjowang ikakasal na sana, tigok sa aksidente

Magjowang ikakasal na sana, tigok sa aksidente

133
0

MANILA, Philippines – Isang magkasintahan na ikakasal na sana ang namatay sa isang aksidente sa San Emilio, Ilocos Sur noong Sabado.

Ayon sa imbestigasyon, ang 26-taong-gulang na lalaki ang nagmamaneho ng trak at ang kanyang 25-taong-gulang na kasintahan ay kanya namang angkas nang mangyari ang  aksidente matapos na mawalan ng preno ang trak habang pababa sa isang burol.

Tumama ang trak sa gilid ng kalsada at tumagilid.

Dinala sila sa ospital, ngunit parehong namatay dahil sa malubhang sugat.

Ayon sa mga pulis, ang bahagi ng kalsadang iyon ay kilalang aksident-prone. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here