ILOCOS SUR – Swak sa kulungan ang isang 37-anyos na barangay kagawad matapos maaresto sa ikinasang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Paras, Candon City ng lalawigang ito nitong Lunes ng gabi.
Ayon sa mga otoridad, ang suspek na si alyas “Francia” ay residente ng Burgos, Ilocos Sur.
Bandang 9:45 ng gabi nang ikasa ng mga otoridad ang buy-bust operation na tumagal hanggang 1:01 ng madaling-araw ng January 21.
Ang operation team ay binubuo ng Candon CPS (lead unit) kasama ang mga personnel mula sa ISPIU, 2nd ISPMFC, 103rd MC RMFB1, Burgos MPS, at ISPDEU sa pakikipag-ugnayan nila sa PDEA RO1.
Sa naturang buy-bust operation ay nakakumpiska ang mga otoridad ng 3 heat-sealed plastics sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Nabatid na tumitimbang ng 0.75 gramo at nagkakahalaga g P5,250 ang mga nakumpiskang hinihinalang shabu ng mga otoridad.
Bukod sa hinihinalang shabu, may mga narekober din na non-drug evidence.
Ginawa ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya doon mismo sa site, sa harap ng mga mandatory witnesses at ng suspek. Rolando S. Gamoso