Home METRO Magkaangkas bumangga sa puno; angkas utas, driver sugatan

Magkaangkas bumangga sa puno; angkas utas, driver sugatan

34
0

CAVITE, Philippines – Isang babae na angkas sa motorsiko ang namatay habang sugatan ang driver nuto, makaraang bumagga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa puno habang binabaybay ang kahabaan  ng Aguinaldo Highway, Brgy Biga II,Silang,Cavite.

Sa report, kapwa isinugod sa Silang Specialist Medical Center ang biktimang si alyas Sonia, 53, may-asawa ng Brgy Zone 1, subalit namatay habang ginagamot dahil sa tinamong sugat sa katawan, habang ginagamot din sa nasabing ospital ang driver ng motorsiklong Yamaha Mio M3 ng San Rafael, Tarlac City dahil sa tinamong sugat sa bunga ng aksidente.

Base sa CCTV footage, bandang -4:33 ng madaling araw minamaneho ni alyas Janice ang kanyang motorsiklo at angkas nito si alyas Sonia abang binabagtas ang kahabaan ng nasabing highway patungo sa direksiyon ng Tagaytay na napansin na pagewang-gewang ang pagmamaneho ng driver nito.

Pagdating sa nasabing lugar, tila nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ng driver at bumangga isang puno sa northbound lane ng kalsada.

Dahil sa lakas ng impact at agkakabangga, tumilapon ang driver at backride nito na nagresulta ng pagkamatay ng angkas at pagkasugat ng driver.

Tumanggi na rin ang asawa ng namatay na biktima at l hindi na sila magsasampa ng reklamo laban sa driver ng motorsiklo. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here