Home METRO Magkaangkas na menor de edad sumemplang sa gate, isa patay

Magkaangkas na menor de edad sumemplang sa gate, isa patay

CAVITE, Philippines – Isang dalagitang estudyante ang namatay, habang nasa kritikal na kondisyon naman ang angkas nito makaraang tumilapon ng bumangga ang motor na kanilang sinasakyan habang bumabagtas sa Brgy. Bancaan sa Naic.

Kaagad na namatay ang biktimang si alyas Mikka, 15-anyos , estudyante na residente ng Purok 6 sa Brgy. Sapa habang inoobserbahan sa pagamutan ang driver ng motor na si alyas Castillo, 17-anyos, construction worker na nakatira sa Brgy. Bancaan ng nasabing bayan.

Ayon sa nakalap na report dakong alas 9:55 ng gabi nang maganap ang insidente habang tinatahak ng mga biktima ang nasabing lugar sakay ng motor na Mitsukoshi Euro Sports R125.

Napag-alaman na mabilis umano ang takbo ng motor kung kaya maaring nawalan ng kontrol ang driver at diretsong sumalpok ito sa metal gate ng isang establisimyento.

g naisugod sa San Lorenzo Ruiz hospital ang mga ito subalit kaagad na binawian ng buhay ang dalagita. Margie Bautista