Home METRO Magkapatid na ‘fixer’ tiklo sa entrapment ops

Magkapatid na ‘fixer’ tiklo sa entrapment ops

MANILA, Philippines- Swak sa selda ang magkapatid na babae mula Tondo, Manila, kasunod ng anti-fixing operation ng Land Transportation Office (LTO) malapit sa Central Office ng ahensya sa Quezon City.

Kinilala ni LTO chief Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II ang mga suspek na sina Teresita at Kathleen Joy dela Cruz, at sinabing kasalukuyang nakaditene ang dalawa sa QC Police District Station 10 para sa kasong swindling/estafa.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng 26-anyos na lalaking nagpaasisti sa kanila sa pagkuha ng kanyang non-professional driver’s license sa halagang P6,800 noong March 8. 

Subalit, halos isang buwan matapos maibigay ang bayad, humingi muli ang magkapatid ng P1,300 mula sa biktima, na humingi na ng tulong sa mga pulis.

Naaresto ang magkapatid na dela Cruz dakong alas-2 ng hapon nitong Lunes, April 1, sa Barangay Pinyahan, Quezon City sa entrapment operation na isinagawa ng joint personnel mula sa LTO at QCPD Station 10.

“We would like to remind the public again that our transaction in the LTO is already fast. So please do not be fooled by the sweet words of these fixers,” paalala ni Mendoza. 

“This should also send a strong message that the LTO is serious in its goal of weeding out fixers and scammers using our agency,” dagdag niya. RNT/SA

Previous article‘Kariton ng Bagong Buhay at Pag-asa’ sa Manila City Jail gumulong
Next articleJoey, umiinit ang ulo sa gastos sa EB?