Home ENTERTAINMENT Joey, umiinit ang ulo sa gastos sa EB?

Joey, umiinit ang ulo sa gastos sa EB?

Manila, Philippines – For as long as he can remember, nasanay si Joey de Leon na suwelduhan siya bilang talent ng anumang programang kinabibilangan niya.

Dahil he has been used to this for decades now, kakaibang experience ang maging producer ng kanilang show.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Eat Bulaga ay prodyus na ng TVJ Productions, ang kompanya nila nina Tito at Vic Sotto.

Maaaring co-prod ang EB with MediaQuest ng TV5, still malaki pa rin ang ambag ng TVJ in terms of bankrolling it.

Kung kay Vic ay walang problema since aside from being an on-cam talent ay producer din siya sa TV at pelikula.

Kumbaga, Bossing Vic has long before learned the ropes of the trade.

Pero this cannot be said of Joey.

Gaano katotoo na madalas daw apuntahan ng init ng ulo ang Master Henyo dahil sa malaking gastusin sa pang-araw-araw na pagtatanghal ng Eat Bulaga?

Kung commercial load nito ang pag-uusapan ay walang isyu.

Ang nagpapainit daw ng ulo ni Joey ay kailangan niya siyempreng maglabas ng pera mula sa kanyang bulsa, bagay na hindi nga niya nakasanayan for the longest time.

Gaano katotoo that there are times when he and Vic get into disagreements over money?

Understandable naman ito sa panig ni Joey na isang artist at hindi isang negosyante.

Kaso, that’s how their TVJ Productions functions.

Nakatutok sila both sa content ng show at kung paano ito patakbuhin financially. Ronnie Carrasco III

Previous articleMagkapatid na ‘fixer’ tiklo sa entrapment ops
Next articleNBI agents pinawalang-sala kaugnay ng pagdakip sa mga suspek sa missing sabungero cases