Home NATIONWIDE NBI agents pinawalang-sala kaugnay ng pagdakip sa mga suspek sa missing sabungero...

NBI agents pinawalang-sala kaugnay ng pagdakip sa mga suspek sa missing sabungero cases

MANILA, Philippines- Inabswelto ng Office of the Ombudsman (OMB) ang mga miyembro ng National Bureau of Investigation-Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) kaugnay sa umano’y mga paglabag nito nang arestuhin ang dalawang indibidwal na suspek sa pagkawala ng mga sabungero.

Iniutos ng Ombudsman na mabasura ang mga kaso laban sa mga agent ng NBI-TFAID na pinangunahan ni Atty. Ross Jonathan V. Galicia.

Ayon sa Ombudsman, ginampanan lamang ng NBI agents ang kanilang tungkulin.

Ibinasura ng Ombudsman ang mga reklamong paglabag sa Articles 125, 128, 286 at 386 ng Revised Penal Code (RPC), Anti-Graft and Corrupt Practices Act), paglabag sa RA 7438 o An Act Defining Certain Rights Of Person Arrested, Detained Or Under Custodial Investigation As Well As The Duties Of The Arresting, Detaining And Investigating Officers, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), Anti-Torture Act at Anti-Rape Law.

Nag-ugat ang kaso sa pagkaaresto NBI sa magkapatid na sina Nicasio Manio at Nicholes Manio sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Meycauayan, Bulacan noong June 8, 2021.

Ang magkapatid ang sinasabing sangkot sa pagkawala ng mga empleyado sa sabungan na sina Johnver Francisco at Fran Tabaranza sa Mayecauayan. Teresa Tavares

Previous articleJoey, umiinit ang ulo sa gastos sa EB?
Next articleBarangay tanod patay sa rambulan, 3 sugatan