Home METRO Barangay tanod patay sa rambulan, 3 sugatan

Barangay tanod patay sa rambulan, 3 sugatan

SAGAY CITY, Negros Occidental- Patay ang isang barangay tanod habang sugatan ang tatlo kabilang ang menor-de-edad sa naganap na rambulan sa piyesta noong Linggo sa bayang ito.

Kinilala ang namatay na si Jay-R Bulquerin, barangay tanod, habang sugatan ang kasama nitong is Nick Ann Philip Buhayan, nasa hustong gulang at kapwa residente sa Barangay Malubon, Sagay City.

Ayon kay PLT. Janna Bangquel, deputy chief of police ng Sagay Police Station, bandang alas- 4 ng madaling araw nang magkaroon ng rambulan ang grupo ng kabataan sa isang sayawan sa nasabing lugar.

Dahil dito, rumesponde ang mga biktima sa nasabing lugar para awatin ang gulo, subalit pagdating sa lugar ay agad na hinampas ng malaking bato sa ulo si Bulquerin na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nasa maayos namang kalagayan si Buhayan matapos lapatan ng lunas ang sugat nito at isa pang sibilyan.

Nadakip naman ang mga suspek at ngayon ay nahaharap sa kasong homicide at physical injuries.

Samantala, makalipas ang ilang minuto ay sugatan din ang isang barangay tanod at 16-anyos na binatilyo matapos silang barilin ng naghuhurumintadong kasapi ng CAFGU na nakatalaga sa 79th Infantry Battalion.

Sinabi ni Banquel, rumesponde ang barangay tanod subalit pagdating sa lugar ay bigla na lamang silang pinagbabaril ng 32 suspek.

Agad namang dinala sa ospital ang mga biktima para lapatan ng lunas ang tinamo nilang tama ng bala sa katawan.

Sa pagresponde ng mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ay nakapulot sila ng basyo ng..45 kalibre na baril at magazine na may mga bala.

Nakatakda namang sampahan ng kasong frustrated homicide ang suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleNBI agents pinawalang-sala kaugnay ng pagdakip sa mga suspek sa missing sabungero cases
Next articleManok ban sa 2 bayan sa Leyte