Home METRO Magkapatid na nakulong sa sasakyan natagpuang patay

Magkapatid na nakulong sa sasakyan natagpuang patay

ZAMBOANGA NORTE- Maagang binawian ng buhay ang magkapatid na batang lalaki matapos makulong sa loob ng sirang sasakyan sa liblib ng bakanteng lote, iniulat kahapon sa bayan ng Labason.

Nangingitim at kapwa walang buhay ang magkapatid na edad 5 at 6 pawang mga residente sa nasabing bayan.

Ayon kay Labason Municipal Police Station Chief, Police Captain Roy Malayo, noong Biyernes nagpa-blotter ang mga ina ng bata na nawawala ang mga ito.

Hanggang sa nitong Linggo, nadiskubre ng may-ari ng talyer ang bangkay ng magkapatid sa loob ng sirang sasakyan.

Kwento ng ina, bago ang insidente ay nanguha ng bunga ng bayabas ang magkapatid kasama ang isang batang babae subalit umiyak ito dahil hindi nila nabigyan ng bayabas.

Dahil dito, nagtago ang magkapatid sa loob ng sasakyan sa takot na mapagalitan dahil umuwi ang batang babae sa kanilang bahay na maaaring magsumbong ito.

Posible umanong na-lock ng magkapatid ang pinto ng sasakyan at hindi na ito nabubuksan pa hanggang sa na-trap ang mga ito ng dalawang araw na naging sanhi ng kanilang kamatayan. Mary Anne Sapico