Home METRO Magkapatid patay nang tangayin ng malakas na alon sa resort

Magkapatid patay nang tangayin ng malakas na alon sa resort

149
0

MANILA, Philippines – Patay ang magkapatid habang isa ang sugatan makaraang tangayin ng malakas na alon habang naliligo sa dagat sa Tanza, Cavite.

Kapwa isinugod ang tatlo sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ang biktimang si alyas Henry, 55 at kapatid nito na si alyas Danilo, 50, ginagamot naman sa pagamutan si Jemboy, 25, pawang residente ng Alabang, Muntinlupa City.

Ayon sa nakalap na report, bandang alas-9:30 ng umaga nang nag-outing ang mga biktima at iba pa nilang kamag-anak sa Lito Beach sa Brgy Capipisa, ng nasabing bayan.

Kasalukuyang nagkakasiyahan ang magkakaibigan hanggang sa nagtungo sa dagat ang mga biktima subalit hindi nila napansin na may paparating na malakas na alon hanggang sa tinangay ang mga ito.

Sinubukan pa silang saklolohan ng kanilang mga kasama at isinugod sa ospital subalit hindi na umabot nang buhay ang magkapatid. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here