MANILA, Philippines – BINIGYANG DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang West Philippine Sea (WPS) ay pag-aari ng mga Filipino sa gitna ng agresyon ng Tsina sa nasabing rehiyon.
Sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang ikatlong State Of the Nation Address (SONA) na ang Pilipinas ay “cannot yield, cannot waiver” sa pagbibigay proteksyon sa soberanya nito.
”We are continuing to strengthen our defense posture, both through developing self-reliance and through partnerships with like-minded states,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.
Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Punong Ehekutibo ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), at mga mangingisda sa rehiyon dahil sa ginagawa ng mga ito na pagmamatyag at sakripisyo.
“‘Sa ating buong Sandatahang Lakas, sa Coast Guard, at sa ating mga mangingisda sa West Philippine Sea, …tanggapin ninyo ang taos-pusong pasasalamat ng buong bansa, dahil sa inyong ginagawang pagmamatyag at sakripisyo,” aniya pa rin.
Kapansin-pansing naman na hindi mainit ang relasyon ni Pangulong Marcos sa Tsina.
Sa kabilang dako, nangako naman ang Pangulo sa mga Filipino na hindi nito ibibigay ang teritoryo ng Pilipinas, poprotektahan ng administrasyon ang ‘sovereign rights’ ng bansa kahit pa “to the last square millimeter.”
Kamakailan lamang, nagkaroon ng pagkakaunawaan ang Pilipinas at Tsina na naglalayong iwasan o pangilagan ang alitan sa pinagtatalunang Ayungin Shoal.
“The Philippines and the People’s Republic of China have reached an understanding on the provisional arrangement for the resupply of daily necessities and rotation (RoRe) missions to the BRP Sierra Madre in Ayungin Shoal,” ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). Kris Jose