SAN GUILLERMO, Isabela – Pinatunayan ng maglive-in partner ang kanilang pagmamahalan na hanggang sa kulungan ay magsama sila matapos tuluyan nang sampahan ng kasong may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Purok 5, Brgy. Tagaran, Cauayan City Isabela
Sa direktiba ni PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office ang dalawang maglive in partner ay nahuli ng mga awtoridad kamakailan dahil sa ilegal na droga sa isinagawang anti-illegal drug buy bust operation.
Nahuli ng mga awtoridad ang mga suspek at nasamsam sa kanilang pag iingat ang isang sachet ng hinihinalang ilegal na droga
Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang maglive-in partner dahil sa kanilang kinakaharqp na kasong illegal drugs. REY VELASCO