Home NATIONWIDE Magmatic eruption sa Bulkang Kanlaon, ibinabala

Magmatic eruption sa Bulkang Kanlaon, ibinabala

111
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Bulkang Kanlaon dahil sa patuloy nitong pagbubuga ng sulfur dioxide.

Sa pinakahuling time-lapse footage ng PHIVOLCS, nakita ang pagbuga ng abo ng bulkan sa pagitan ng 3:49 hanggang 4:27 ng hapon nitong Martes, Disyembre 3.

“Tayo po ay medyo mataas po ang alerto po natin sa Kanlaon, hindi po natin alam kung kailan at papano, ang magiging eventual na magmatic activity, pero batay sa mga sustained, wala pong patid at mataas na mga anomalous na mga parameters,” ayon kay Mariton Bornas, pinuno ng Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division.

“Ito pong mga parameters na ito ay nagsasaad na meron pong napipintong magmatic eruption ang Kanlaon Volcano. Kung kailan at papaano, ito po ang kailangan nating bantayan,” dagdag pa niya.

Tumaas din ang bilang ng Volcano-tectonic (VT) earthquakes.

Sa kasalukuyan ay nananarili ang Alert Level 2 na babala sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here