Home METRO ‘Magnanakaw’ ng manok, patay sa pukpok ng may-ari

‘Magnanakaw’ ng manok, patay sa pukpok ng may-ari

1
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang lalaki matapos siyang pukpukin umano sa ulo ng tipak ng semento ng may-ari ng panabong na manok sa Consolacion, Cebu.

Ayon sa paunang salaysay ng 52-anyos na may-ari sa pulisya, nagising umano siya matapos mapansing kinukuha ng biktima ang kanyang panabong na manok.

Dito na umano niya hinataw sa ulo ang lalaki gamit ang tumigas na tipak ng semento.

Nasawi ang biktima dahil sa tinamong pinsala.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang may-ari ng manok at mahaharap sa reklamong homicide.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag sa media ang suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here