Home METRO Magnanakaw timbog sa loob ng 2 minutong hot pursuit ops sa Bulacan

Magnanakaw timbog sa loob ng 2 minutong hot pursuit ops sa Bulacan

212
0

BULACAN, Philippines — Isang 24-anyos na lalaki ang naaresto ng mga pulis matapos umanong manloob sa isang tindahan sa Brgy. Poblacion, Bustos nitong madaling araw ng Hulyo 10.

Ayon kay PMAJ Mark Anthony E. Tiongson, Chief of police ng Bustos police station, sapilitang pinasok at ninakawan ng suspek na si alyas “Palong” ang tindahan bandang ala-1:00 ng madaling araw sa kaparehong araw.

Nabatid na matapos masuri ang CCTV footage, agad siyang natukoy at itinawag sa mga pulis.

Dahil dito, sa loob lamang ng dalawang minutong hot pursuit operation ng mga pulis na noo’y nagpapatrolya sa lugar ay agad naaresto ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya.

Binigyang-diin ni PCOL ANGEL L. GARCILLANO, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, ang pagpapatupad ng 5-Minutes Response Time ay mahalagang bahagi ng estratehiya ng kapulisan upang masigurong maagapan ang mga insidente, mahuli ang mga suspek sa lalong madaling panahon, at maibalik ang tiwala ng publiko sa kanilang lokal na pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here