Home METRO Magnitude 5.1 lindol umuga sa Dolores, E. Samar

Magnitude 5.1 lindol umuga sa Dolores, E. Samar

MANILA, Philippines – Naitala ang isang magnitude 5.1 na lindol na yumanig sa baybayin ng timog-silangang Dolores, Eastern Samar Huwebes ng umaga, iniulat ng PHIVOLCS.

Ang lindol, na naganap alas-12:20 ng umaga sa lalim na 25 kilometro, ay tectonic ang pinagmulan.

Nauna nang iniulat ng ahensya ang lindol na 5.3-magnitude na may lalim na 10 kilometro.

Walang inaasahang pinsala, iniulat din ng ahensya. Ngunit inaasahan ang mga aftershocks. Santi Celario