MANILA, Philippines – Ang easterlies ay magdadala ng maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa ilang bahagi ng bansa sa Huwebes, iniulat ng PAGASA.
Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.
Ang heat index sa Metro Manila noong Miyerkules ay 40 degrees Celsius sa NAIA, Pasay City station at 39 degrees Celsius sa Science Garden sa Quezon City.
Batay sa heat index chart, pinapayuhan ang publiko na mag-ingat nang husto dahil ang ilang tao ay maaaring makaranas ng heat cramps at heat exhaustion at ang patuloy na aktibidad ay maaaring mauwi sa heat stroke.
Ang heat index ay isang sukatan kung gaano kainit ang tunay na nararamdaman kapag isinasaalang-alang ang relatibong halumigmig sa isang partikular na lokasyon.
Sumikat ang araw bandang 5:45 a.m., habang lulubog ito ng 6:10 p.m. RNT