Home METRO 2 pulis tinukoy na persons of interest sa nawawalang caretaker ng resort...

2 pulis tinukoy na persons of interest sa nawawalang caretaker ng resort at 2 iba pa

MANILA, Philippines – DALAWA sa walong pulis ang kinilala at pawang persons of interest ang mga ito na hinihinalang responsable umano sa pagdukot sa magkahiwalay na insidente kabilang ang isang resort caretaker at dalawa katao sa lungsod ng Calamba, Laguna at Los Banos, Laguna, base sa isinagawang imbestigasyon ng Special Investigation Task Group.

Ang dalawang pulis na pansamantalang hindi binanggit ang mga pangalan ng mga ito, na nakabase sa Calamba City Intelligence Unit, samantalang patuloy pa na inaalam ang pagkakakilanlan ng anim pa nitong kasama.

Samantalang ang dalawang pulis at anim pa nitong kasama ay pawang persons of interest sa pagdukot sa dalawang magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Laguna.

Base sa imbestigasyon ng Special Investigation Task Group at Los Banos City Police Station sa naganap na pagdukot, kung saan nakita umano sa CCTV Camera sa pinangyarihan ng insidente at mga saksi na dalawa sa walong persons of interest ang nakilala bilang mga pulis.

Matatandaan na nagtungo sa himpilan ng pulisya si Erwin Magbanua, kapatid ng nawawalang si Randy Magbanua, 54, resort caretaker, kung saan nawala ito simula pa noong Marso 26, 2024 at huling nakita sa kahabaan ng National Road sa Barangay Lalakay, Los Banos City, Laguna.

Kaugnay nito, kung saan dinukot ang nasabing caretaker (Magbanua) ng walong kalalakihan na lulan ng isang kulay itim na Toyota Wigo at motorsiklo na patungo sa direksyon ng Calamba City, samantalang dalawa katao ang naiulat na naunang dinukot noong Enero 11, 2024 sa Barangay Parian, Calamba City at natagpuan na lang umano itong bangkay sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon kay PBGen. Paul Kenneth T. Lucas Regional Director ng PRO4 Calabarzon, ang lahat ng sangkot na pulis na nakatalaga sa Calamba City Intelligence Unit ay inalis sa kanilang puwesto at pansamantalang nasa kustodiya ng Provincial Headquarters Administrative Holding Center para sa masusing imbestigasyon.

“We are committed to leaving no stone unturned in the pursuit of truth and justice for the families of the missing persons. Every effort is being made to ascertain the whereabouts and ensure the safety of the missing individual, and those responsible for any wrong doing will be brought to justice and there will be no cover-up,” dagdag pa ni Lucas.

Napag-alaman na kapag napatunayan na mayroong kinalaman ang walong pulis sa pagdukot kay Magbanua ay mahaharap ang mga ito sa administrative case for grave misconduct at criminal charges for abduction.

Ang National Police Commission ang magsasampa ng administrative case sa mga nasabing pulis kung saan ang tanggapan ng Laguna Criminal Investigation Group ang maghahain ng kasong Abduction sa Prosecutors office.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon kung mayroong kinalaman ang mga nabanggit na pulis sa naunang pagdukot noong nakalipas na Enero 11, 2024. Ellen Apostol