CAGAYAN DE ORO, Philippines – Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Surigao del Norte alas-7:03 ng umaga nitong Biyernes, sinabi ng mga state seismologist.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natunton ang offshore tremor sa layong 13 kilometro timog-silangan ng General Luna, isang bayan sa Siargao Island sa lalawigan ng Surigao del Norte.
Naitala ang Intensity IV sa Cabadbaran City (Agusan del Norte); Hinunangan, San Francisco, Hinundayan, at Silago (Southern Leyte); at Surigao City (Surigao del Norte).
Sinabi ng Phivolcs na inaasahan ang aftershocks at pinsala. RNT/MND