TACLOBAN CITY — Patay ang isang magsasaka sa bayan ng Las Navas, Northern Samar nitong Martes, Mayo 14, matapos suwagin ng kanyang sariling kalabaw.
Kinilala ang biktima na si Alvin Pagaban, 42, na inatake ng kanyang kalabaw habang inaalagaan ito sa isang sapa sa Barangay Andres, 7.5 km ang layo mula sa town proper.
Si Pagaban, residente ng Barangay Geguinta, ay isinugod sa rural health unit ng bayan ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician, sabi ni Cesista.
“This is the first time na naka-encounter tayo ng ganitong kaso. Marahil ay pagod ang kalabaw pagkatapos ng isang araw na trabaho at na-stress dahil sa tindi ng init, na maaaring naging sanhi ng pag-uugali nito at pag-atake sa magsasaka,” sabi ni Police Staff Sergeant Rowenda Cesista
Ayon kay Cesista, ginamit ng magsasaka ang kanyang kalabaw para ihatid ang kanyang mga palay bukod pa sa trabaho nito sa palayan.
Ang kalabaw ay nananatiling hawak ng pamilya ng biktima. RNT