INFANTA, Quezon- Pinaslang ang isang 34-anyos na magsasaka ng kapitbahay umano nito dahil sa masangsang na amoy ng pataba na ginagamit niya sa kanyang vegetable farm sa lugar na ito nitong Huwebes.
Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Rigor Otilla.
Batay sa imbestigasyon, kinompronta ng suspek na si Ricky, 46, ang biktima dahil sa mabahong amoy ng fertilizer, na naging mitsa ng away kung saan napaslang ng suspek ang biktima matapos tagain ang huli ng itak sa leeg at kamay.
Dinala si Otilla sa ospital kung saan siya idineklarang patay.
Nadakip ng mga pulis ang suspek na nahaharap sa homicide case. RNT/SA