Tila nanganganak nang nanganganak ang istoryang ito na nagsimulang ikabit kay Rhian Ramos.
Nagsimula ang tsikang lulundag si Rhian from GMA to ABS-CBN dahil nakita raw ang aktres sa bakuran ng huli.
Hinamon naman ng mga GMA loyalists ang nagkalat ng balita, mangyari’y magpakita ng “resibo.”
Dahil walang mailabas na katibayan, binansagang fake news ito.
In fairness, walang dahilan to justify Rhian’s network transfer.
Well taken care of siya sa GMA, in fact, may kasunod na agad siyang project after Pulang Araw.
Rhian is cast in Sang’gre.
Not only is Rhian rumored to jump ship.
Maging sina Marian Rivera at Alden Richards ay balita ring lilipat sa ABS-CBN.
Ang naging basis nito ay ang box office success ng MMFF 2023 movie nila ng asawang si Dingdong Dantes produced by Star Cinema.
Sa kaso ni Alden, sinilip ang kanyang guesting sa It’s Showtime gayong para naman ‘yon sa promo ng reunion movie nila ni Kathryn Bernardo na co-produced naman ng GMA Pictures.
Sa madaling salita, ang napipintong paglipat nina Rhian, Alden at Marian is nothing short of fake news! Ronnie Carrasco III