Home NATIONWIDE P29M tulong para sa typhoon-hit PH oks sa SoKor

P29M tulong para sa typhoon-hit PH oks sa SoKor

MANILA, Philippines- Magpapaabot ang pamahalaan ng Republic of Korea ng USD500,000 (tinatayang PHP29 milyon) na tulong upang suportahan ang recovery efforts sa mga lugar na sinalanta ng severe tropical cyclones sa Pilipinas.

Inanunsyo ng Korean Embassy ang humanitarian assistance nitong Biyernes.

“The Korean government hopes that this assistance will contribute to the recovery of the affected areas and aid the swift return to daily life for residents in those regions,” anito.

Tututok ang pondo sa pagsuporta sa relief efforts sa mga lugar na nagtamo ng pinsala mula sa bagyo.

Libo-libo ang lumikas dahil kay Bagyong Marce, na humagupit sa ilang lugar sa Luzon, ilang linggo matapos ang Severe Tropical Storm Kristine at Bagyong Leon. RNT/SA