Home METRO Magsasakang bumili ng sigarilyo, dedo sa love triangle

Magsasakang bumili ng sigarilyo, dedo sa love triangle

MANILA, Philippines – HINDI na nagawang masindihan ang biniling sigarilyo sa tindahan ng isang lalaki nang pagbabarilin ito sa ulo ng isang lalaki matapos na paghinalaang may relasyon sa ka-live-in nitong babae, Linggo ng hapon, Hulyo 7 sa Barangay Kulapi, Lucban, Quezon.

Ang biktima na si Reggie Nagar alyas Jimboy ay nagawang isugod sa MMG Hospital subalit idineklara itong dead on arrival sa tinamong dalawang tama ng bala sa ulo mula sa hindi pa matukoy na baril.

Samantalang patuloy na nagsasagawa ng hot pursuit operation ang Lucban Police Station para sa agarang idarakip ng suspek na mabilis na tumakas na nakilala sa alyas na Mark.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente dakong alas -3:20 ng hapon, habang ang biktima na kasalukuyang bumibili ng sigarilyo sa isang tindahan ay bigla itong pagbabarilin ng suspek.

Nabatid sa ulat na may hinala umano ang pulisya na love triangle ang motibo ng pagpaslang sa biktima. Ellen Apostol