Home METRO Magsasakang naki-connect ng WiFi pinagbabaril-patay!

Magsasakang naki-connect ng WiFi pinagbabaril-patay!

113
0

BACOLOD CITY – Pinagbabaril ang isang 33-anyos na magsasaka na gumagamit ng Wi-Fi sa Sitio Talagbuan, Barangay Marcelo, Calatrava, Negros Occidental noong Linggo ng gabi, Hulyo 21.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rene Fernando ng Barangay Marcelo.

Sinabi ni Police Major Wilfredo Benoman Jr., hepe ng Calatrava police, kumokonekta sa Wi-Fi ang biktima sa isang tindahan nang lapitan at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang tao.

Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib ang biktima na lumabas sa kanyang likod.

Sinabi ni Benoman na nagawa pang makatakbo ng biktima ilang metro ang layo mula sa pinangyarihan ngunit bumagsak ito sa lupa.

Dinala ang biktima sa ospital kung saan idineklara itong patay.

Sinabi ni Benoman na tinitingnan nila ang background ng biktima upang matulungan silang matukoy ang motibo sa insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here