Home METRO Totoy na naliligo sa ilog, patay sa pagbuga ng flood control

Totoy na naliligo sa ilog, patay sa pagbuga ng flood control

153
0

MANILA, Philippines – Gabi na nitong Lunes natagpuan ang katawan ng isang binatilyo na umano’y nalunod sa ilog sa kasagsagan ng lakas ng ulan bunsod ng bagyong Carina.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, alas 3 ng hapon ng iulat na nawawala ang 13-anyos na binatilyo ngunit gabi na ito natagpuan sa Estero de Vitas sa Tondo, Maynila.

Nabatid na nagkayayaan na maligo sa lugar kasama ang dalawa pa nang biglang matangay ng agos matapos bumuga ang pumping o flood control.

Ayon kay kagawad Benjamin Cabral, hindi nalalapit ang biktima sa gulong nang magkaroon ng current sa ilalim ng tubig kaya siya ay napunta o nahigop pailalim sa barge.

Paliwanag ng kagawad, ang pagbuga ng pumping o flood control ay karaniwang ginagawa tuwing high tide kaya wala itong intensyon sa nangyari.

Nagtulong-tulong naman ang mga tauhan ng PCG, MDRRMO at mga bumbero para mahanap ang binatilyo makalipas ang isang oras na paghahanap sa Estero.

Ayon pa kay Cabral, matagal nang ipinagbabawal ang pagligo sa Estero ngunit dahil kasagsagan ng ulan hindi sila napansin ng mga guwardiya kaya sila nakapuslit. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here