RIZAL, Philippines – Arestado si alyas “Ella” babae, 30 taong gulang at si alyas “Rey”, 49 taong gulang kapwa residente ng Barangay Pantok, Binangonan, Rizal.
Ayon sa report naaresto ang 2 individual matapos ang isinagawang buy-bust operation sa nasabing barangay. Matapos na mapag bentahan ng mga ito ang isang pulis na nagpanggap bilang pursuer buyer.
Nakumpiska mula sa mga ito ang 5 transparent plastic sachet na naglalaman ng crystalline na hinihinalang shabu na may standard price na P140,488 at 2 piraso na 100 peso bill suspected as drug money, isang coin purse kulay blue, at isang android phone. Kasama rin sa nakumpiska ang dalawang 500 peso bill as buy-bust money.
Ayon pa sa ating nakalap na impormasyon, ito umanong si alyas Rey ay matagal nang minamanmanan ng mga autoridad.
Ang dalawang akusado ay nakapiit na sa Binangonan custodial facility at mahaharap sa kasong pag labag sa Article No. 2 ng Republic Act 9165 or comprehensive drugs act of 2002. (Maritess Pumaras)