Home METRO Pang-apat na suspek sa pag patay sa estudyante sa Tagum City, arestado

Pang-apat na suspek sa pag patay sa estudyante sa Tagum City, arestado

366
0

DAVAO del Norte, Philippines – Arestado ang ika-apat na suspek kaugnay sa pagpatay sa 19-anyos na si Sophia Marie Coquilla, na natagpuang may 38 saksak sa katawan sa loob ng kanyang kwarto sa tirahan ng pamilya sa Tagum City, Davao del Norte nitong Miyerkules.

Ang ikaapat na suspek ay nahuli sa Davao City, at iniulat na may baril na walang mga dokumento.

Nakilala ang suspek sa pamamagitan ng CCTV footage ng kapitbahay na nagpakita ng grupo ng mga kabataan na pabalik-balik malapit sa tirahan ng Coquilla, isang araw bago nangyari ang pagpatay. Nauna nang naaresto ang tatlong suspek na pawang mga menor de edad.

Ang biktimang si Sophia Marie, ay nagtapos ng high school bilang ikatlong honorable mention, at nakatakdang simulan ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa University of the Philippines. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here