Home METRO Magtataho itinumba ng tandem sa harapan ng anak

Magtataho itinumba ng tandem sa harapan ng anak

106
0

BULACAN, Philippines – Patay ang isang lalaking magtataho matapos barilin ng riding-in-tandem sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong umaga ng Abril 29.

Sa ulat ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, naganap ang insidente bandang 8:20 ng umaga sa Brgy. Minuyan.

Ayon sa ulat, pasakay sana ang biktima sa tricycle kasama ang kanyang 6 taong gulang na lalaking anak nang barilin ng dalawang suspek sakay ng motorsiklo na sumibat sa lugar.

Sinasabing agarang sinugod ang biktima sa pagamutan sa lungsod para sa agarang lunas subalit binawian na ito ng buhay.

Nang makarating ang nangyari sa pulisya ay agad rumesponde, nagsagawa ng imbestigasyon, backtracking ng CCTV at dragnet operation kaya natukoy at naaresto bandang 3:30 ng madaling araw ng Abril 30, ang pangunahing suspek na si alyas “Rolly”, 43, ng Brgy. Bagong Buhay 1.

Nakumpiska sa operasyon ang caliber .45 na may tatlong bala habang nasamsam naman sa Brgy. Tigbe, Norzagaray ang isa pang caliber na may pitong bala, ginamit na motorsiklo, helmet, jacket, t-shirt at sapatos.

Dinala ang mga naturang ebidensya sa Forensic Unit para sa ballistic examination at cross-matching.

Patuloy ang masusing imbestigasyon sa  insidente at inihanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek na kumitil ng buhay ng magtataho. residente ng Brgy. Citrus, ayon na rin sa impormasyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here