Home OPINION MAGTULONG-TULONG PARA SA REHABILITASYON

MAGTULONG-TULONG PARA SA REHABILITASYON

309
0

ANG pambansang pamahalaan, nagdeklara na ng pambansang estado ng kalamidad o national state of emergency at sakop nito ang bagyong Tino at super bagyong Uwan.

Ano-ano na ang ating mga gagawin naman bilang mga mamamayan?

Sa National State of Emergency, maglalabas ang national government ng mga kaukulang bulto ng pondo para itulong sa mga local government unit at direkta rin sa mga biktima ng kalamidad.

Kakambal nito ang pagkilos ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na nag-aalok na ng mga pautang gaya ng Social Security System at Government Service Insurance System habang nag-aalok na ng mga cash assistance ang Department of Social Welfare and Development.

May pa-relocation din ang Pambansang gobyerno at mga LGU mula sa mga bahaing lugar patungo sa hindi mga bahain.

Mayroon ding price freeze para sa mga pangunahing bilihin sa loob ng 60 araw.

Ano-ano naman kaya ang ating mga gagawin bilang mga mamamayan at mga hindi naapektuhang LGU.

Ang iba’t ibang LGU gaya ng Davao City at City of Manila, naglaan na ng kanilang mga maitutulong sa mga biktima ni Tino.

Sa parte nating mga ordinaryong mamamayan, nasaan ang ating mga pagkilos tungo sa kaligtasan at para tumulong sa mga nasalanta na at masasalanta pa?

Kung iisipin, sa lawak ng mga bagyong Tino at Uwan, hindi na siguro kailangan nating lumayo dahil halos lahat tayo apektado.

Maaari na tayong magtulong-tulong bilang mga magkakapitbahay at magkakabaranggay.

Ang pagkain, medisina, damit, malinis na tubig-inumin ang pupwede nating ialok o iambag.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here