Home OPINION ‘BUWISIT’ NA BAGYO ‘YAN!

‘BUWISIT’ NA BAGYO ‘YAN!

241
0

ITO marahil ang nasabi sa sarili ni Armed Forces of the Philippines Chief Gen Romeo Brawner matapos ianunsyo ang pagkansela ng ‘DAGIT-PA (Dagat, Langit at Lupa),’ isang taunang ‘military exercise’ ng Sandatahang Lakas upang tingnan ang kahandaan ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force na sumabak sa digmaan.

Dapat nagsimula ang ehersisyo ngayong linggo subalit nakansela dahil sa banta ng Bagyong ‘Uwan’ matapos din na ipag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos na ang kalamidad ay paghandaan at hindi ang pagsabak sa giyera na tila mas prayoridad ng militar ni Brawner.

Kung napansin ninyo na tila “wala sa eksena” o “kaunti” ang presensya ng militar nang manalasa ang Bagyong Tino, eh, dahil nga mas pinaghahandaan ng AFP ni Brawner ang digmaan laban sa China at mga military exercises nila ng Tadong Unidos.

Sapul nang bumalik tayo sa pagiging “tuta” ng mga Kano, alam ba ninyong 400 – 500 ang bilang ng ginagawa nating military exercises kasama ang Hukbo ng Amerika at iba pang mga papet nito sa Pasipiko at iba pang panig ng mundo kada taon?

Kumbaga, mas marami pa sa bilang ng araw sa isang taon (365 days) ang ginagawang paghahanda ng AFP ni Brawner para sa giyera kumpara sa panahon nito para makatulong sa mga Pilipinong hindi na makaligtas sa mga sakuna at kalamidad.

Aber, noong Nobyembre 4, habang nag-iiyakan ang mga pamilya at mga komunidad na biktima ng Bagyong Tino, ano ba ang anunsyo ni Brawner? “Nakahanda” ang AFP na makipag giyera sa China kahit sa loob ng 30 araw o isang buwan!

Sa halip na magpahayag ng pakikiramay, tumulong sa mga nasalanta ng kalamidad at pagbangon ng mga komunidad, digmaan pa rin ang nasa utak ng matikas nating heneral.

At natitiyak natin na kung hindi rin lang nag-utos si PBBM na gawing prayoridad ang pagtutok sa bagyo, paghahanda sa giyera ang uunahin ni Brawner.

“Soldier of the Filipino people” raw ang AFP at “defender of the State” pero sa termino ni Brawner hindi yata ganito?

Mukha kasing determinado siyang dalhin tayo sa kapahamakan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here