Home OPINION HUWAG MAGPALOKO SA ‘LIBRE’ NG TEMU

HUWAG MAGPALOKO SA ‘LIBRE’ NG TEMU

288
0

ITO ay hindi panloloko sa halip ay isang pagbati ng HAPPY 21st BIRTHDAY sa aking bunso na si SANTIAGO LEAN “SANTI” B. PASCUAL V na nagdiriwang ngayong araw. Mahal na mahal ka naming mga taga FamiLea.

*****************

SA panahon ngayon na kaliwa’t kanan ang online shopping platforms, may bagong pakulo na naman na nagpaloloko ang marami—ang mga “P1 deals” o “free items” ng TEMU. Sino nga ba ang hindi maeengganyo sa pangakong makakakuha ka ng halos libreng produkto? Ngunit gaya ng kasabihang, “Walang libre sa mundo,” ito ay isa na namang anyo ng modernong panlilinlang na dapat bantayan ng mga mamimili.

Marami nang reklamo mula sa mga netizen na nagsasabing nahulog sila sa patibong ng mga ganitong promos. Una, ipakikita sa’yo na may libreng item o isang piso lang ang halaga, pero kailangan mo munang bumili ng ilang produkto para “ma-unlock” o makuha ito. Kapag umabot ka na sa tinakdang halaga, bigla namang mawawala o hindi madedeliver ang “free” item na ipinangako. Ang iba naman, paulit-ulit na tinutuksong bumili pa ng mas marami—hanggang sa mapansin mong mas malaki pa ang nagastos mo kaysa sa tunay na halaga ng iyong napiling produkto.

Ito ay malinaw na psychological manipulation—isang taktika ng mga ganid na negosyante para makuha ang tiwala ng mamimili at kalauna’y ipasok sa bitag ng labis na paggastos. Ginagamit nila ang salitang “FREE” para kontrolin ang isip ng mamimili, kahit alam nilang walang balak talagang tuparin ang pangako.

Nasaan ang mga awtoridad? Dapat nang kumilos ang Department of Trade and Industry at National Telecommunications Commission upang imbestigahan ang mga mapanlinlang na online promos na ito. Hindi sapat na sabihing “buyer beware” kung mismong sistema ng platform ay dinisenyo para lokohin ang publiko.

Sa mga mamimili, tandaan: kung masyadong maganda para maging totoo, malamang ay hindi nga totoo. Huwag hayaang gawing laro ng mga ganid na kompanya ang ating kakulangan at kagustuhang makatipid. Ang tunay na diskarte ay ang pagiging mapanuri—hindi nagpaloloko sa mga paandar ng mga fake freebies.

Huwag tayong magpaikot sa “libre” ng TEMU—dahil sa huli, tayo pa rin ang talo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here