MANILA, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang Maguindanao del Sur kasunod ng malawakang pagbaha sa ilang lugar sa lalawigan.
Matapos ang mga baha na dulot ng malakas na pag-ulan, ang mga residente ngayon ay kailangang labanan ang makapal na putik matapos humupa ang tubig-baha.
Samantala, apektado pa rin ng baha ang ibang lugar sa Datu Piang.
Sinabi ng Office of Civil Defense Region 11 na 282 indibidwal 7 mula sa mga barangay ang naapektuhan ng pagbaha sa Davao City.
Binaha pa rin ang dalawang barangay sa Pikit, Cotabato na nagdulot ng hirap sa pagtugon sa kalamidad at tulong sa mahigit 14,000 pamilyang apektado. RNT