Home NATIONWIDE Mga mananamantala sa presyo ng manok pananagutin ng DA

Mga mananamantala sa presyo ng manok pananagutin ng DA

262
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) laban sa mga walang prinsipyong mangangalakal na posibleng nasa likod ng posibleng manipulasyon ng presyo sa isang pampublikong pamilihan sa Metro Manila.

Ito ay matapos ang presyo ng bawat kilo ng manok ay tumaas sa PHP250 sa Muñoz market, mas mataas sa PHP200 hanggang PHP210 na umiiral na retail price range.

“May nananamantala talaga, kaya tinutukan namin itong palengke na ito at nasabihan naman na ang Muñoz market why they are selling at PHP250. Siguro, hindi naman ito lahat ng palengke, which is really an outcast doon sa regular na namo-monitor natin at nabebenta,” a ni DA Assistant Secretary Arnel  De Mesa sa isang panayam.

Tiniyak ni De Mesa na titingnan nila ang “lahat ng posibleng anggulo” para matukoy ang pinagmulan ng pagtaas ng presyo.

“Ang sinasabi nga ni Secretary (Francisco Tiu Laurel Jr.), ang puntirya rito, hindi lang kasi ikaw ang nagtitinginan per se, especially iyong nasa receiving end. Kailangang tingnan lahat ng iyong pinanggalingan, baka mamaya may nananamantala, from the source, from the traders,” aniya pa.

Binalaan niya ang mga lumalabag na sa ilalim ng Republic Act 7581 o ang Price Act, ang mga manipulator ng presyo ay maaaring managot para sa profiteering, na tinukoy bilang ang pagbebenta o pag-aalok para sa pagbebenta ng anumang pangunahing bilihin sa isang presyo na “napakalabis” sa tunay na halaga nito o katumbas ng higit sa 10 porsyento mula sa nakaraang buwan.

Sinabi ni De Mesa na ang markup para sa manok mula sa farm gate prices ay dapat lamang PHP50 kada kilo. hanggang PHP70 kada kilo.

Ayon sa lingguhang presyo ng United Broiler Raisers Association noong Hulyo 12, ang average na presyo ng regular-sized na manok ay PHP139.60 sa Tarlac, Pangasinan, Nueva Ecija, Bulacan, at Batangas.

Para sa Visayas at Mindanao, ang presyo ng regular-size na manok ay mula PHP116 hanggang PHP127 sa Cebu, Leyte, Iloilo, Bacolod, at Davao. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here