Home LIFESTYLE HEALTH Mahigit 2,000 kaso ng dengue, naitala sa Maynila

Mahigit 2,000 kaso ng dengue, naitala sa Maynila

1
0

MANILA, Philippines — Umabot sa 2,051 ang kaso ng dengue na naitala sa Maynila mula Enero 1 hanggang Hulyo 27, pinakamataas sa mga water-borne, influenza-like illnesses, leptospirosis, at dengue diseases na minomonitor ng Manila Health Department.

Ayon sa Public Information Office ng lungsod, nadagdagan ng tatlong bagong kaso ng dengue ang bilang nitong Hulyo 27.

Sa kaparehong panahon, nakapagtala rin ang Maynila ng 816 kaso ng influenza-like illnesses, 259 severe acute respiratory infections, 108 leptospirosis cases, 72 kumpirmadong Covid-19 cases, 61 typhoid fever cases, at tatlong cholera cases.

Noong Hulyo 27 lamang, nakapagtala ang lungsod ng apat na bagong kaso ng severe acute respiratory infection, tatlong leptospirosis cases, tatlong dengue cases, dalawang kumpirmadong Covid-19 cases, at isang typhoid fever case.

Batay ang mga datos sa Electronic Disease Case Surveillance Information System report na nakuha alas-5 ng umaga noong Hulyo 27.

Pinaalalahanan ng Manila Health Department ang mga residente na panatilihing malinis ang kapaligiran, alisin ang mga naipong tubig na maaaring pamugaran ng lamok, iwasang lumusong sa baha, at agad magpakonsulta kapag nakaranas ng sintomas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here