Home OPINION MAHIGIT 42K BARANGAYS, NAIS NG SSS NA GAWING MIYEMBRO

MAHIGIT 42K BARANGAYS, NAIS NG SSS NA GAWING MIYEMBRO

157
0

HINIKAYAT ni Social Security System (SSS) President and chief executive officer Rolando Ledesma Macasaet ang mga barangay official sa buong bansa na maging mga miyembro ng state-run insurer.

Ibinahagi ni PCEO Macasaet na base sa kanyang pagkakaalam, maraming Punong barangay, kagawad at mga manggagawa sa barangay katulad ng mga treasurer, secretary, tanod, health workers, nutrition scholars, at iba pa, ang nagsisilbi ng 10 hanggang 20 taon sa mga residente ng barangay. Pero kapag nagretiro na sila sa serbisyo ay wala naman silang nakukuhang separation pay o monthly pension.

May alok ang SSS na oportunidad para sa barangay officials at workers para magkaroon ng buwanang pension kapag sila ay nagretiro na sa barangayan. Sa pinakamurang kontribusyon na Php 120.00 bawat buwan ay maaari nang makinabang sa mga benepisyo.

Pagseseguro ni PCEO Macasaet, handa ang SSS para magbigay ng financial assistance sa panahon ng kagipitan at pangangailangan sa pamamagitan ng disability, sickness, maternity, unemployment, old age, funeral at death.

Maaari rin silang makapag-short loans kabilang ang salary at calamity loans sa oras ng pangangailangan.

Awtomatiko rin na pasok sila Workers’ Investment and Savings Program (WISP) na isang compulsory provident fund para sa mga miyembro na mahigit sa Php 20,000 ang buwanang kinikita.

Sa panahon ng pagreretiro ay makukuha nila ang kanilang nailagak sa WISP kasama ng mga tinubo ng kanilang pera dahil ang SSS ay ginamit ito sa mga makabuluhang investments para lumago.

Dagdag pa ni PCEO Macasaet, dapat isipin ng mga nasa ba­rangay na ang kanilang kontribusyon ay kanila ring “investment” na magagamit nila sa kanilang kinabukasan.

Awtomatiko rin na magkakaroon sila ng extra protection mula sa Employees’ Compensation Program kung sila ay naaksidente, nagkasakit, nabalda o nasawi ng dahil sa trabaho o may kaugnayan dito.

Sa ilalim ng Marcos administration at ni PCEO Macasaet ay mas naging agresibo ang SSS na maipasok bilang miyembro ang job orders at contract of service workers sa national agencies at local government units, maging ang mga benepisyaryo ng 4P’s program, at drivers ng transport network vehicle services.

Base sa datos ng Commission on Elections, may kabuuang 42,029 barangays sa buong bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here