Home METRO Mahigit P200K marijuana, nasamsam sa Maynila

Mahigit P200K marijuana, nasamsam sa Maynila

MANILA, Philippines -TINATAYANG mahigit sa P200,000 halaga ng marijuana ang nasamsam at pagkakaaresto sa isang hinihinalang tulak sa isinagawang buy bust operation sa Sta. Ana, Manila nitong Martes ng madaling araw, Hulyo 9.

Kasong paglabag sa RA9165 ang kinakaharap ng suspek na si Ryngard Joshde Villa Dela ng 2440 Onyx St., Brgy 775 Zone 85, Sta Ana, Manila

Sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling araw nang nagsagawa ng buy bust operation
ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District (MPD) sa loob ng isang bahay sa San Andres Extension Brgy. 780 Zone 85 Sta. Ana, Manila na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Narekober sa suspek ang 622.1 gramo ng Marijuana fruiting tops na may street value na P74,652.00 at 128.9 grams ng Marijuana kush sa street value na P180,460.00 o kabuuang P255,112, isang watson color brown paper bag at buy bust money. Jocelyn Tabangcura-Domenden